Ano po ba ang requirements para makakuha ko ang Pamilya ko at manirahan sila kasama ko dito sa Qatar ?
Ito ang madalas itanong lalo na ng mga may pamilya sa Pilipinas at gusto nilang dalhin ang kanilang mga mahal sa buhay upang dito manirahan at mag-aral sa Qatar. Kung may pagkakataon na makasama mo ang pamilya mo rito, sino ba naman ang hindi gagawin yun para hindi ka malungkot at may karamay ka dito sa isang malayong bansa.
Pero, marami ang hindi nakakaalam ng mga kailangan para makakuha ng Family Residence visa. Ang Family Residence Visa ay makukuha lamang ng isang may Work Visa at siya ang tatayong sponsor ng kanyang pamilya.
Ito ang mga requirements:
1. Application Form - ang application form ay makukuha Ministry of Labor. Sa kasalukuyan ang Ministry of Labor ay nasa C-Ring Road katabi ng American Hospital. Maaring available ito sa inyong company HR o liaison officer. Ang application form ay nasa Arabic. Puede magpa-type nito o kadalasan sa mga malalaking kumpanya ay may gumagawa nito para sa aplikante. Kailangan ng pirma at selyo ng sponsor mo. Pipirmahan rin ito. Kung hindi ka nakakabasa ng Arabic alamin sa liaison officer kung saan ito. Kailangan pala na itim ang gamiting tinta.
2. Employment Certificate - ito ay galing sa employer at nakasaad doon ang iyong posisyon sa kumpanya at ang iyong kinikita. Kung sagot ng employer ang inyong tirahan ay kailangan nakasaad din ito. Kinakailangan na hindi bababa sa QR 7,500.00 ang sueldo upang mabigyan ng visa.
3. Kopya ng inyong mga pasaporte - ito ay para sa lahat ng miyembro ng pamilya ng aplikante
4. Kopya ng mga birth certificates ng lahat - kailangan ito ay attested ng Department of Foreign Affairs sa Pilipinas, natatakan sa Philippine Embassy sa Qatar at na-attest ng Ministry of Foreign Affairs (MOFA). Sa kasalukuyan ang Philippine Embassy ay nasa West Bay Area malapit sa Rainbow Roundabout habang ang MOFA Attestation Department ay nasa C-Ring Road malapit at Gulf Cinema signal sa tapat ng State Audit Bureau at GE.
5. Kung may anak na ampon - isama ang certificate of adoption o statement of adoption purpose
6. Certificate of Salary Transfer o Bank Statement for 6 months – ang tinatanggap ay yung may seal ng bangko. Minsan kung may kalakihan ang sueldo ay tinatanggap kahit 3 buwan lang
7. Kopya ng marriage certificate - kailangan ito ay attested ng DFA, natatakan sa Philippine Embassy sa Qatar at na-attest ng Ministry of Foreign Affairs (MOFA).
8. Kopya ng diploma o academic qualification - kailangan ito ay attested ng DFA, natatakan sa Philippine Embassy sa Qatar at na-attest ng Ministry of Foreign Affairs (MOFA).
9. Kopya ng electricity bill kung saan ka nakatira - di kinakailangan na ito ay nasa iyong pangalan.
Sana po ay nakatulong.
Kung may dagdag nakatanungan, mag-comment o mag-email lang po sa QLTreysdad@gmail.com
Sagot po ba ng company ang pamasahe o lahat ng gastusin? Malaki po pala ang dapat na sahod bago mo madala ang pamilya mo, paano kung matagal ka na sa work mu at hndi talaga tumataas ang sahod wala ng chance para madala mo sila
ReplyDeleteAng sahod lang po ng asawa ko ay 2k plus.. wala na po bang chance na madala nya ako khit kasal na kmi?
ReplyDelete