Tuesday, August 16, 2011

Mga iba't-ibang Visa sa Qatar

Mabuhay at welcome sa blog ko!

Nung una hindi ko alam kung English o Tagalog lang ang gagawin kong blog. Pero napag-isip-isip ko na dahil ang audience ko ay mga OFW na nandito sa Qatar at iba pang kalapit bansa nito ay mas maganda na "Taglish" ang gamitin ko.

Ano ba ang mga gustong malaman ng mga OFW na nandito sa Qatar? Marami sa tingin ko. Nung bagong salta nga ako dito sa Qatar ni direksyon papunta sa Philippine Embassy ay wala akong mapagtanungan. Dahil nung dumating ako dito lahat ng Pinoy na nagtatrabaho sa opisina (4 lang kami nung time na yun) ay nakabakasyon. Isang buwan nga ako nagtiis na kumakain sa Indian resto sa tapat ng office namin eh marami naman palang Pinoy restaurants dito sa Doha.

Sa website na Qatar Living, marami nagtatanong ng mga bagay-bagay tungkol sa Qatar karamihan mga gustong magtrabaho dito. Marami sa kanila mga kabayan na naghahanap ng kapalaran dito sa Gitnang Silangan. Naisip ko mas maganda siguro gumawa ako ng blog para sa mga maraming nagtatanong tungkol sa Qatar at sa mga bagay-bagay at patakaran dito.

Simulan natin ang tungkol sa Visa. Ito ang maraming tanong dun sa nasabing website. Ang gusto kong talakayin ngayon ay kung ano ba ang iba't-ibang klase ng Visa meron dito sa Qatar.
Siguro narinig nyo na ang mga pangalan ng Visa o Bisa tulad ng Visit Visa, Family Visit Visa, Business Visa at iba pa. Ano ba ang pagkakaiba ng mga yun? Isa - isahin natin.

1. Qatar Tourist Visa


Ang Qatar Tourist Visa ay ini-issue ng mga hotel sa mga guest nila. Kaya madalas ay required na may prior booking ka sa hotel. Ito ay karaniwang may validity na dalawang linggo pero maari ito ma-extend ng hanggang isang buwan. Hindi na ito puede i-extend pa lampas sa isang buwan. May multa na QR200.00 kada araw kung paso na ang tourist visa.

2. Visit Visa


Ang Qatar Visit Visa at ini-issue kalimitan sa mga citizen ng mga bansa na eligible sa on-arrival visa o sa mga taong may sponsor sa Qatar ng Visa na ito. Tulad ng Tourist Visa ito din ay may limit na isang buwan. Hindi na rin ito puede i-extend pa lampas sa isang buwan. May multa na QR200.00 kada araw kung paso na ang visit visa.

3. Business Visit Visa o Business Visa

Ito ay kalimitan ini-issue sa isang tao na may sponsor na kumpanya dito sa Qatar. Ang unang issue nito ay may validity na isang buwan. Maari itong i-extend hanggang dalawang buwan pa. Kaya may validity na abot sa 3 buwan ang Business Visa. Hindi na rin ito puede i-extend pa lampas sa tatlong buwan. May multa na QR200.00 kada araw kung paso na ang business visa.

4. Family Visit Visa


Ang visa na ito ay may dalawang classification - ang immediate family at extended family.
Ang immediate family ay magulang, asawa at mga anak ng sponsor na may work visa o residence permit (RP). Ang extended family ay yung mga kapatid, in-laws, at pinsan na ka-apelyido o may patunay ng blood relationship.

Ang Family Visit Visa ay may validity na isang buwan pero puede ito i-extend. Ang immediate family visit visa ay puede i-extend hanggang limang buwan pa. Kaya ito ay may kabuuang anim ba buwan na validity. Ang extended family visit visa ay puede lamang i-extend hanggang 2 buwan lang. Kaya ito ay may kabuuang tatlong buwan na validity.

Kailangan din dumaan sa medical examination sa Medical Commission para ma-extend ito lampas ng isang buwan. May multa na QR200.00 kada araw kung paso na ang family visit visa.

5. Family Residence Visa o Family Residence Permit


Ang Visa na ito ay para sa pamilya ng isang sponsor (kalimitan ay lalaki) na may work permit o residence visa na naka-meet ng requirements para mag-sponsor ng residence visa. Talakayin natin sa susunod na mga blog ang mga requirement dito. Karaniwan na isang taon ang validity at puede ma-renew hanggang limang taon. Pagkatapos ng limang taon ay kailangan mag-apply ulit ng permit sa Qatar Ministry of Labor para sa renewal nito bago mag-renew sa Immigration office.

May multa na QR10.00 kada araw kung paso na ang family residence visa. Ito rin ay mapapaso kung ang visa ng sponsor ay ma-cancel.

6. Work Visa o Work Residence Permit


Ang visa na ito ay para sa mga may trabaho dito sa Qatar at ang sponsor niya ay kumpanya o may ari na kumpanya na kung saan siya nagtatrabaho.

May multa na QR10.00 kada araw kung paso na ang work visa.


Yan ang iba't-ibang visa na karaniwang ibinibigay sa pangkaraniwang Pinoy na pumupunta dito sa Qatar. May iba pang klase ng visa pero ito ang mga pangkaraniwan. Talakayin ko yung mga requirements niyan sa mga susunod pang mga blog.

Kung may tanong kayo, sumulat lang kayo sa QLTreysdad@gmail.com

Mabuhay po kayo at laging tandaan - Qatar ito! Qatar!





1 comment:

  1. dami ngang katanungan about visas in Qatar tapos madami talaga naguguluhan pa rin.

    ReplyDelete